
Tuloy ang kanilang magkakasamang basketball journey sa UAAP para sa apat na dating teammates ni Rene Baterbonia matapos silang opisyal na mag-commit sa De La Salle Santiago Zobel, sa kabila ng naunang ulat na sila ay mapupunta sa Ateneo de Manila University.
Kinumpirma ni Ateneo de Davao head coach Jess Evangelio sa isang Facebook post na sina Macky Pelegrino, Matt Cayetano, JM Sanoria, at Rhysus Bajenting ay sasabak na sa De La Salle Zobel para sa kanilang collegiate development.
Ayon kay Evangelio, ipinagmamalaki niya ang grupo na magpapatuloy ng kanilang academic at athletic careers sa bagong paaralan.
Naglaro ang apat kasama si Baterbonia sa Ateneo de Davao at naging bahagi ng makasaysayang kampanya ng kanilang koponan sa 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte, kung saan nasungkit ng Davao region ang kauna-unahang titulo sa torneo.
Noong sumunod na taon, nanatiling isa sa mga powerhouse team ang kanilang grupo ngunit natalo sa finals laban sa Region IV-A CALABARZON.
Ang kanilang paglipat sa La Salle Zobel ay kasunod ng pagpanaw ni Baterbonia, na dating inaasahang maglalaro para sa Ateneo de Manila University sa kolehiyo.
Si Baterbonia ay pumanaw noong Hunyo 8 matapos ang isang drowning incident kasama si Divine Adili.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente, habang nagbitiw na rin sa puwesto ang head coach na si Tab Baldwin at team manager na si Epok Quimpo.









