Patuloy ang aksyon sa 2026 FIFA World Cup na ginaganap sa United States, Mexico at Canada, kung saan 48 bansa mula sa ibaโ€™t ibang kontinente ang naglalaban para sa titulo.

Sa mga unang laban, agad nagpakita ng lakas ang ilang paboritong koponan. Tinalo ng France ang Senegal, 3-1, habang dinomina ng Norway ang Iraq, 4-1. Nakakuha rin ng panalo ang Argentina matapos tambakan ang Algeria, 3-0, kung saan muling umarangkada si Lionel Messi.

Naging impresibo rin ang Germany matapos gibain ang Curaรงao, 7-1, habang nanalo ang United States kontra Paraguay, 4-1. Nakakuha rin ng panalo ang Sweden, Austria, Mexico, South Korea, at Cรดte dโ€™Ivoire sa kani-kanilang mga laban.

May ilang dikit na laban din na nagtapos sa tabla, kabilang ang Netherlands kontra Japan (2-2), Belgium laban Egypt (1-1), Iran kontra New Zealand (2-2), at Spain laban Cape Verde (0-0).

Sa standings matapos ang unang mga laro, nangunguna sa kani-kanilang grupo ang Argentina, France, Germany, United States, Sweden, at Norway na may tig-tatlong puntos.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy naman ang group stage matches sa mga susunod na ara