
Nakalusot ang defending champion na Argentina national football team matapos talunin ang Egypt national football team sa iskor na 3-2 sa Round of 16 ng FIFA World Cup 2026 upang makausad sa quarterfinals.
Maagang makalamang ang Egypt ng dalawang goal sa pamamagitan nina Yasser Ibrahim at Mostafa Zico, dahilan upang manganib ang kampanya ng mga kampeon. Ngunit sa huling bahagi ng laban ay nagpasiklab ang Argentina sa pangunguna ni Lionel Messi.
Sinimulan ni Cristian Romero ang pagbangon ng Argentina sa ika-79 minuto bago naitabla ni Messi ang laban sa ika-83 minuto. Sa additional time , naitala ni Enzo Fernández ang game-winning goal upang tuluyang makumpleto ang dramatikong pagbalik ng Albiceleste.
Sa panalo, buhay pa rin ang pagdepensa ng Argentina sa kanilang World Cup title habang nagtapos naman ang makasaysayang kampanya ng Egypt sa torneo. Haharapin ng Argentina ang mananalo sa laban ng Switzerland national football team at Colombia national football team sa quarterfinals.










