
Kinumpleto ng atleta mula sa Eastern Visayas na si Chrisia Mae Tajarros ang kanyang redemption tour matapos na manguna sa 3000m secondary girls finals ng 2025 Palarong Pambansa kanina sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium in Laoag, Ilocos Norte.
Dinomina ng 13-anyos na runner ang nasabing event, kung saan siya ang kauna-unahang nakakuha ng gold medal sa kasalukuyang Palaro, mula sa kanyang silver medal sa nakalipas na kompetisyon.
Pumangalawa si Tajarros, Grade 9 student sa Tanauan National High School sa Leyte noong 2024 edition, kung saan ang nakakuha ng gold medal ay si Asia Paraase ng Lapu-lapu City.
Sinabi ni Tajarros na naiiyak siya dahil sa nakuha niya ang gold medal, at hindi nasayang ang kanyang training.
Ayon sa coach ni Tajarros na si Damaso Olidan Jr., dating boksingero at long distance runner, na proud at masaya siya dahil sa tagumpay ng atleta, kung saan sinimulan nila ang kanilang paghahanda nitong nakalipas na taon.