Inireklamo ni Cong. Joel Chua ng libel at cyberlibel sina Atty. Levito Baligod at labing walong nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines Corps sa Manila City Prosecutor’s Office ngayong araw.

Kung maalala, naglabas sila ng pahayag na tumanggap umano ng male-maletang pera ang ilang matataas ng opisyal ng gobyerno.

Sa kanilang salaysay, umabot sa ₱805 billion ang kabuuang perang kanilang naideliber, na inilalagay sa maleta, paper bag, o expandable envelopes at inihahatid sa iba’t ibang lokasyon tulad ng mga bahay, opisina, at pribadong lugar.

Bukod sa mga mambabatas, isinama rin sa alegasyon ang umano’y paghahatid ng pera sa tahanan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos.

Ayon kay Atty. Baligod, tinatanggap nila ang isinampang reklamo ni Chua, at dagdag lamang ito sa mga nauna nang kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Una nang nagsampa ng magkakahiwalay na reklamo sina dating National Security Adviser Eduardo Año, Congresswoman Leila de Lima, Father Flavie Villanueva, dating Senator Antonio Trillanes IV, Bureau of Corrections Director Gregorio Catapang Jr., at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.