Iniimbestigahan ang isang babae na nasa edad 50 dahil sa umano’y pagpatay niya umano sa kanyang sariling ina.

Ito ay matapos na makita ang babae na naglalakad na hubo’t hubad sa Seongnam, Gyeonggi province sa South Korea.

Ayon sa Seongnam Sujeong Police Station, nakita ang babae na walang saplot kahapon ng hapon.

Dinala ng mga rumespondeng pulis ang babae sa kanilang bahay, kung saan nakita ang wala nang buhay na kanyang ina.

Ayon sa babae, siya ang pumatay sa kanyang ina, at kasunod nito ay hinuli siya at dinala sa kanilang himpilan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng babae na hirap siya sa pag-aalaga sa kanyang ina kaya nagawa ang pagpatay sa kanya.

Sa initial investigation, ilang araw nang patay ang biktima, subalit hindi pa mabatid ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng forensic analysis sa nasabing bangkay.

Inaalam na rin ng mga opisyal kung totoo ang sinabi ng suspek na siya ang gumawa ng krimen.