Aksidenteng nakagat ng isang babae sa China ang isang paputok, na sumabog sa kanyang bunganga.
Ayon sa babae, na kinilala na si Ms Wu, nagdala ang kanyang kapatid na lalaki ng miryenda sa kanilang bahay sa Sichuan.
Nanonood siya noon sa telebisyon sa kanilang sala na nakapatay ang mga ilaw nang abutin niya ang ilang candy, subalit ang nakuha niya ay paputok.
Inakala ng babae na taro milk candy ang nakuha niya, na madalas niyang kinakain noong bata pa siya, sumabog ang paputok nang kagatin niya ito.
Sinabi ng babae na wala siyang naramdaman na sakit noong una, subalit nalasahan niya ang pulbura.
Nagdulot ng pamamanhind sa bunganga ng babae ang sumabog na paputok, subalit nagagawa pa naman niya na kumain at magsipilyo.
Sinabi ng babae na nakakalito ang packaging ng paputok, kung saan sumang-ayon ang ilang netizens na napagkakamalan din nila ang firecracker na candies.