Isang speed-eater sa U.S ang muling napatunayan ang kanyang kakayahan sa mabilisang pagkain.

Naubos ni Michelle Lesco ang tatlo’t kalahating garapon ng mayonnaise sa loob lamang ng tatlong minuto.

Dahil dito, hawak na ni Lesco ngayon ang world record para sa pinakamaraming mayonnaise na nakain sa loob ng tatlong minuto.

Si Lesco ay una na ring nakapagtala ng world record sa pinakamabilis na oras na pagkain ng isang bowl ng pasta at pinakamabilis na oras na pagkain ng hotdog sandwich na hindi gumagamit ng kamay.