Mariing kinokondina ng International Criminal Court (ICC) ang ginawang pagpataw ng sanctions ng US sa kanila.

Ayon kay ICC President Tomoko Akane na hindi katanggap-tanggap ang sanctions dahil sa independent at legal ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Bilang isang ICC judge din aniya ay naitityak niyang walang motibong pulitikal ang kanilang imbestigasyon.

Giit nito na ang imbestigasyon ay base sa mga imbestigasyon.

Itinuturing na isang atake ito sa mga biktima ng panunupil ng isang pulitika.

-- ADVERTISEMENT --

Natitiyak niya na hindi sila natatakot sa anumang banta ng US gaya ng pagpapataw ng sanctions.

Magugunitang nagpataw ang US ng sanctions sa ICC dahil sa pagkaso ng ilang mga Americans kahit na hindi na sila miyembro.