Mananatiling sarado ang Strait of Hormuz hangga’t hindi binabago ng United States ang posisyon nito at tinatanggap ang mga kondisyon ng Iran para wakasan ang giyera, ayon sa isang mataas na opisyal ng Iran.

Ayon kay Mohsen Rezaei, bagong kalihim ng Supreme National Security Council ng Iran, kabilang sa hinihingi ng Tehran ang pagwawakas ng giyera, pagbabayad sa Iran para sa mga nakapirmang assets nito, at pagtatapos ng labanan sa buong rehiyon, kabilang ang Lebanon at Gaza.

Sinabi rin ni Rezaei na hiwalay ang anumang kasunduan ng Iran at Oman sa transit sa Strait of Hormuz sa usapin ng muling pagbubukas ng mahalagang daanan ng langis.

Dahil sa kawalan ng katiyakan sa sitwasyon, muling tumaas ang presyo ng oil futures.

Bago ang giyera, tinatayang nasa ikalimang bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas ang dumaraan sa Strait of Hormuz.

-- ADVERTISEMENT --