Isang bagong low pressure area (LPA) ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa state weather bureau.

Huling namataan ang sentro nito sa layong mahigit 900 kilometro sa silangan ng Northeastern Mindanao.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na wala pang katiyakan kung magla-landfall ang naturang sistema o kung aling mga lugar ang posibleng maapektuhan nito.

Patuloy namang mino-monitor ng ahensya ang galaw ng LPA at tiniyak na agad itong maglalabas ng abiso sakaling magkaroon ng pagbabago sa kondisyon nito.

Sa kasalukuyan, wala pang direktang epekto ang LPA sa anumang bahagi ng bansa, ngunit pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na weather advisories.

-- ADVERTISEMENT --