
Inaasahang bahagyang lalakas pa ang Tropical Depression Kiyapo bago tawirin ang Extreme Northern Luzon bukas hanggang Sabado ng umaga.
Ang enhanced habagat ang magpapaulan sa malaking bahagi pa ng bansa.
Huling namataan ang bagyo sa layong 830 km East of Northern Luzon. Taglay nito ang l𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 na aabot sa 45 km/h at pagbugsong aabot sa 55 km/h. Kumikilos ang bagyo Northwestward sa bilis na 25 km/h
Ang 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗞𝗜𝗬𝗔𝗣𝗢 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝘂𝗽𝗮𝗮𝗻, ngunit ang trough o extension ng mga kaulapan nito ay magpapaulan na sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang bagyo ay inaasahang patuloy na kikilos pa-hilagang kanluran at inaasahang 𝘁𝗮𝘁𝗮𝘄𝗶𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗱𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄.
Inaasahang bahagyang lalakas pa ang bagyo at magiging 𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 (𝟲𝟮-𝟴𝟴 𝗸𝗺/𝗵) bukas.
Ang bagyo ay inaasahang magdudulot ng hanggang sa matinding ulan at pabugsu-bugsong malakas na hangin sa Northern Luzon, partikular sa 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗔𝗽𝗮𝘆𝗮𝗼, 𝗔𝗯𝗿𝗮, 𝗜𝗹𝗼𝗰𝗼𝘀 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲, 𝗮𝘁 𝗜𝗹𝗼𝗰𝗼𝘀 𝗦𝘂𝗿, mula bukas ng hanggang sa Sabado.
Mahina man, inaasahang patuloy na hahatakin ng bagyong KIYAPO ang habagat (southwest monsoon) na magdudulot ng 𝗺𝗮𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝘄𝗲𝗲𝗸𝗲𝗻𝗱.
Halos buong bansa ang inaasahang makakaranas ng mahangin na panahon bukas hanggang sa Sabado.










