
Nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang tuloy-tuloy na pag-ulan mula sa habagat at isang bagyo sa ilang lugar sa Central at Northern Luzon.
Sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija, umabot sa tuhod ang baha sa ilang bahagi ng Barangay Bagong Silat, habang naapektuhan ang biyahe ng mga motorista at residente.
Sa Cabanatuan City, 14 barangay ang binaha at ilang pamilya ang inilikas. Gumamit naman ng bangka ang ilang residente upang makadaan sa mga lubog na lugar.
Sa Calasiao, Pangasinan, binaha ang covered court sa Barangay Cabilocaan dahil sa mababang lokasyon at problema sa drainage.
Samantala, nagkaroon ng landslide sa Adams, Ilocos Norte matapos matabunan ng putik at bato ang isang kalsada.
Agad nagsagawa ng clearing operations ang mga awtoridad at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto.










