TUGUEGARAO CITY-Na-recover na kaninang tanghali ang mga labi ng isang lalaki na di umano’y nalunod kahapon ng hapon sa Chico River sa may bahagi ng Brngy.San Manuel at Santa Felicitas sa Sto.Niño,Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Capt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sto.Niño na nakuha ang bangkay ni Reggie Edilla,35,construction worker.

Sinabi ni Gabatin na sa kanilang imbestigasyon,bago ang insidente ay nagkaroon ng katuwaan ang biktima kasama ang mga kasama sa trabaho na magpaligsahan ng pagsisid sa ilog habang sila ay nagpi-picnic at may kasamang alak.

Ayon pa Gabatin,sinikap ng mga rescuers at mga kasama ang paghahanap sa biktima subalit nabigo ang mga ito.

Itinuloy kanina ng rescue team ng Cagayan at mga pulis ang paghahanap hanggang sa nakita ang bangkay sa ilog sa Brngy. San Manuel.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Gabatin na hindi naman sila nagpabaya sa kanilang pagbabantay bagamat aminado siya na hindi nila kayang bantayan ang buong ilog.

Sinabi pa niya na hindi rin sila nagkulang sa pagbibigay ng mga paalala sa mga picnic goers na maging maingat at iwasan ang uminom ng alak.