Iginiit ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na bigo ang K-12 program na tugunan ang krisis sa edukasyon matapos ihayag ng EDCOM 2 na 87% ng mga Grade 11 students ang hindi nakauunawa nang maayos sa kanilang binabasa.

Ayon kay Tinio, nagpapakita ito ng malalim na problema sa sistema ng edukasyon, kabilang ang pagpasa ng mga estudyante kahit hindi naaabot ang kinakailangang kasanayan.

Nanawagan din siya ng masusing pagrepaso sa K-12 program, pagtaas ng sahod ng mga guro, pagdagdag ng teaching personnel, at pagbabalik ng sapat na learning materials at epektibong pagsusuri sa mga mag-aaral.

Samantala, hinikayat naman ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang Department of Education na tutukan muna ang problema sa reading comprehension ng mga estudyante bago magpatupad ng mga bagong polisiya.