Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa Canal Saint-Martin sa Paris, France, na kamakailan lamang ay binuksan bilang swimming spot upang matulungan ang publiko na makaiwas sa matinding init ng panahon.

Ayon sa pulisya, narekober ang bangkay nitong Sabado ng madaling araw.

Namamaga na umano ang katawan ng biktima, na tinatayang nasa edad 25 hanggang 35, indikasyong ilang araw na itong nasa tubig.

Wala ring natagpuang anumang pagkakakilanlan at patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng pagkamatay nito.

Noong Hunyo, pinayagan ng pamahalaang lungsod ng Paris ang paglangoy sa bahagi ng Canal Saint-Martin tuwing Linggo bilang tugon sa nararanasang heatwave.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, patuloy na nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na maging maingat dahil kilala ang naturang canal sa mga nakatagong basura tulad ng bisikleta, e-scooter at shopping cart sa ilalim ng tubig.

Kasabay nito, binuksan na rin ng Paris ang tatlong ligtas na swimming areas sa River Seine para sa publiko.