Ligtas at walang nasugatan si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua at kanyang mga kasama matapos tambangan ng mga armadong lalaki ang kanilang convoy sa Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nangyari ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon nitong Sabado.

Tinamaan ng mga bala ang tatlong sasakyan sa convoy, ngunit ligtas ang lahat ng sakay at security personnel.

Galing si Macacua sa kanyang hometown sa Barangay Gambar, Mother Kabuntalan, kung saan dumalo siya sa proclamation rally ng Bangsamoro Federalist Party o BFP, na kanyang sinalihan kamakailan at kung saan siya itinalagang chairman.

Samantala, pinaigting ang seguridad sa Bangsamoro Government Center habang nagsasagawa ang mga awtoridad ng follow-up operations at imbestigasyon kaugnay ng insidente.

-- ADVERTISEMENT --