Sumakabilang-buhay ang Taiwanese singer-actress Barbie Hsu sa edad na 48 dahil sa influenza complications.
Unang lumabas ang mga haka-haka na namatay na si Hsu kahapon at lalong lumaki ang balita nang palitan ng kanyang dating asawa na si Wang Xiaofei ang kanyang profile picture sa kanyang social media platform ng black.
Kasunod nito ay kinumpirma ng kanyang nakababatang kapatid na babae, na si Taiwanese entertainer Dee Hsu, kaninang umaga ang pagkamatay ng kanyang ate.
Sinabi ni Dee Hsu, noong New Year Holiday, nagpunta ang buong pamilya sa Japan.
Ayon sa kanya, nalulungkot sila dahil pumanaw na ang kanyang ate dahil umano sa flu-related pnuemonia.
Sinabi niya na nagpapasalamat siya dahil naging ate niya si Barbie, kung saan naging malapit at nagtulungan sila sa lahat ng bagay.
Mas kilala si Barbie Hsu sa kanyang role sa Dong Shancai noong 2001 Taiwanese drama Meteor Garden kung saan bida siya kasama sina Jeyy Yan, Vic Chou, Ken Chu and Vanness Wu.
Inulila ni Barbie Hsu ang dalawang anak sa kanyang kasal kay Wang.