Bumaba na sa 140 mula sa 371 ang bilang ng mga istranded na turista sa Batanes dahil sa bagyong Kristine, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Inaasahang makakaalis na ngayong araw ng Linggo, Oktubre 27 ang lahat ng 140 turista.

Siniguro naman ng ahensya na patuloy itong makikipag-ugnayan sa national agencies at local government units kasama ang local Disaster Risk Reduction and Management councils para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng turista.