Target ng Commission on Elections o COMELEC na isagawa sa Disyembre 19 ang special election para sa lone congressional district ng Batanes kasunod ng pagpanaw ni Representative Ciriaco Gato Jr. noong September 21 dahil sa cardiac arrest.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, pasok ang December 19 sa itinakdang 60 hanggang 90 araw para sa special election at kinukuwenta na ng poll body ang kakailanganing budget at nagpatawag na rin ng emergency meeting kasama ang mga field officials para sa paghahanda.

Samantala, sinabi ni Garcia na maaaring gamitin ang ilan sa mga election equipment na nakalaan sana para sa BSKE upang makatipid sa gastos, habang tinatayang nasa 30,000 ang rehistradong botante sa lone district ng Batanes.