Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na nakadepende sa magiging estratehiya ng House prosecution panel ang haba ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Gatchalian, maaaring mapabilis ang paglilitis kung sapat at matibay ang mga dokumentaryong ebidensyang ihaharap ng prosekusyon, na magbabawas sa pangangailangang magpresenta ng maraming testigo.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na mabagal ang takbo ng paglilitis dahil mahigit 100 testigo at libo-libong dokumento ang nakahanay bilang ebidensya, habang isang testigo lamang ang dinidinig sa bawat araw ng pagdinig.

Aniya, kung magiging matibay ang mga ebidensya, maaari ring mabawasan ang bilang ng mga testigong ihaharap.

Nagsimula ang impeachment trial noong Hulyo 6 at kasalukuyang idinidinig ang Article I, na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ng House prosecution panel na nakahanda itong magpresenta ng hanggang 13 testigo para sa naturang artikulo ng impeachment.