TUGUEGARAO CITY -Labis ang pasasalamat ng isang ginang sa pamahalaan dahil sa muli nilang pagkikita ng kanyang kapatid na dating rebelde matapos ang apat na dekada.

Nitong nakalipas na araw nang sumuko sa pamahalaan si loreto ventura,alyas nestor, 79-anyos , bomb expert na dating miembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan valley New Peoples Army.

Ayon kay Ginang Monica Ventura, kapatid ni Loreto, 1983 ng umalis ang kapatid sa kanilang tahanan sa ilocos norte at nagtungo dito sa probinsiya ng Cagayan.

Aniya,mula noon ay wala na silang nakuhang impormasyon sa kapatid kung kaya’t ang buong akala nila ay patay na ito.

Dahil dito, hindi na maipaliwanag ni Monica ang kanyang nararamdaman ng ipagbigay alam ng militar na buhay ang kanyang kapatid lalo na ng kanyang makita ito.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala,nakuha kay Loreto ang iba’t-ibang klase ng baril at ilang pampasabog.

Kaugnay nito, inaayos na ng pamahalaan ang maipagkakaloob na tulong pinansyal sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip).