Inamin ng British civil servant na si Kashim Chowdhury na nagkamali siya sa sabay-sabay na paghawak ng limang full-time na trabaho sa sektor ng gobyerno, ngunit iginiit na wala siyang kriminal na intensiyon.

Sa paglilitis sa Southwark Crown Court, sinabi ng 55-anyos na si Chowdhury na nakaramdam siya ng matinding stress at takot na mawalan ng kabuhayan.

Nahaharap siya sa siyam na bilang ng kasong pandaraya dahil sa umano’y ilegal na pagkita ng mahigit 284-libong pounds mula sa magkakasabay na trabaho.

Ayon sa prosekusyon, umabot sa 183 oras kada linggo ang pinagsama-samang oras ng kaniyang trabaho noong 2023, kahit higit ito sa kabuuang oras na mayroon sa isang linggo.

Itinanggi ni Chowdhury ang mga paratang at sinabing alam umano ng ilan sa kaniyang mga manager na mayroon siyang iba pang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --