Nanatiling pinakamataas ang natanggap na sahod at allowances ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. sa hanay ng mga non-elected government officials noong 2025, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Batay sa Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng COA, umabot sa P52.76 milyon ang kabuuang natanggap ni Remolona noong 2025, mas mataas ng halos P4.8 milyon kumpara sa kanyang kinita noong 2024.

Ipinakita rin sa ulat na 15 opisyal ng BSP ang kabilang sa Top 20 highest-paid government officials noong nakaraang taon.

Pumangalawa si BSP Corporate Services Sector head Elmore Capule na may natanggap na P36.01 milyon, habang nasa ikatlo si BSP Senior Assistant Governor Johnny Noe Ravalo na may P30.59 milyon.

Kasunod naman sina Senior Assistant Governor Edna Villa, Monetary Board member Benjamin Diokno, Romeo Bernardo, Rosalia De Leon, Jose Querubin, Walter Wassmer, at Deputy Governor Chuchi Gali Fonacier.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa COA report, mas mataas ang naitalang kita ng ilang BSP officials noong 2025 kumpara sa nakaraang taon.