
Palalawakin ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang mga patakaran sa bancassurance bago matapos ang taon, para payagan ang mga bangko na mag-alok ng insurance products mula sa mga kompanyang hindi kabilang sa kanilang corporate group.
Ayon kay BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat, ginagawa na ng central bank ang mga bagong guidelines para mapalawak ang pagpipilian ng mga bangko sa insurance products na maaari nilang ipamahagi.
Sa kasalukuyang rules, maaari lamang ipamahagi ng mga bangko ang insurance products ng kanilang subsidiaries, affiliates at related companies, subject sa mga regulasyon ng BSP.
Bahagi umano ito ng mas malawak na hakbang ng BSP na palawakin ang access ng publiko sa financial at insurance services, kabilang ang paggamit ng digital platforms.









