
Muling humina ang halaga ng piso laban sa dolyar nitong Martes at nagsara sa bagong all-time low na P62.625 kada US dollar.
Mas mababa ito ng 3.9 sentimos kumpara sa P62.586 na closing rate noong Lunes at nalampasan ang dating record low na P62.59 na naitala noong Setyembre 4.
Ayon sa mga ekonomista, pangunahing dahilan ng paghina ng piso ang paglakas ng US dollar bunsod ng inaasahang pagpapanatili ng mataas na interest rates sa Estados Unidos.
Nakadagdag din sa pressure sa piso ang pagtaas ng presyo ng pandaigdigang langis at tensyon sa Middle East.
Ito na ang ika-23 beses ngayong taon na nakapagtala ang piso ng bagong record low.
-- ADVERTISEMENT --
Unang naitala ang naturang record noong Enero 7 sa P59.355 kada dolyar.









