
Tinapos ng House of Representatives ang plenary deliberations sa panukalang ₱16.46-bilyong budget ng Commission on Audit o COA para sa 2027, na isang hakbang na bago ito maisama sa General Appropriations Bill.
Wala pang dalawang oras ang interpellation bago mosyonan ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña ang pagtatapos ng deliberasyon.
Samantala, nagpahayag ng pangamba si Cendaña sa pagbawas sa capital outlay ng COA, na aniya’y mahalaga sa digitalization at computerization ng ahensya.
Sa interpellation, kinuwestiyon naman ni Navotas Representative Toby Tiangco ang ilang bahagi ng audit report ng COA sa House of Representatives, kabilang ang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng mga mambabatas at budget para sa supplies at materials.
Ayon kay Davao del Sur Representative John Tracy Cagas, sponsor ng budget, ₱14 bilyon dito ang bagong appropriations na kailangang aprubahan ng Kongreso, 2.49% na mas mataas kumpara sa 2026 budget.










