
Patay ang isang nurse na anim na buwang buntis matapos na mabangga ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane sa Bago City, Negros Occidental.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, papasok na sana sa kanyang trabaho para sa kanyang night shift duty ang biktima na isang 36-anyos nang mangyari ang insidente noong Linggo ng gabi.
Subalit habang tumatawid siya sa pedestrian lane sa Barangay Taloc, nahagip siya ng isang sasakyan.
Tumilapon ang biktima sa kabilang bahagi ng kalsada at muling nahagip ng isa pang sasakyan.
Lumabas ang sanggol na lalaki sa sinapupunan ng biktima na pangalawa sanang niyang anak, ngunit sa kasamaang-palad, namatay din ang sanggol.
Desidido naman ang pamilya ng biktima na ituloy ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa dalawang driver.