Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Cagayan, 4:59 Linggo ng hapon.

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 5.2 na lindol na may layong 38 kilometers Northwest ng Calayan na may lalim na 20 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Aparri, Cagayan habang Intensity 2 naman sa Laoag City, Ilocos Norte at sa Claveria, Cagayan.

Sinundan naman ito ng magnitude 4.4 na pagyanig sa parehong bayan makalipas ang halos isang oras.

Nabatid na ito ay aftershock ng naunang pagyanig sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --