PHOTO CREDIT: Tirso Gador

TUGUEGARAO CITY-Ibinida ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang kanilang nagawang operasyon na nagresulta sa kanilang aktibong kampanya laban sa kriminalidad.

Ibinahagi ni Pcol Ariel Quilang,Director ng Cagayan PNP, ang kanilang mga naging accomplishment mula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan tulad ng pagkakaaresto ng 1,194 na indibidwal na wanted sa batas at 1,694 lumabag sa batas at special laws.

Naaresto rin ang nasa 249 na drug suspects kung saan 31 dito ay itinuturing na high value target.

Pumapalo rin sa 6,528 pandemic law violators ang nasampahan ng kaso.

Ibinida ni Pcol. Quilang ang kanilang mga matagumpay na operasyon kasabay ng kauna-unahang provincial celebration ng ika 119th police service anniversary. with reports from Bombo Rose ann Ballad

-- ADVERTISEMENT --