Pinabulaanan ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano na humingi siya ng ceasefire kay Senator Ping Lacson.

Tungkol ito sa post ni Lacson sa kanyang X account kung saan inayawan niya ang hirit na ceasefire matapos na ibulgar ang mga ma-anomalyang infrastructure projects sa Taguig City na balwarte ni Cayetano.

Giit ni Cayetano, hindi sa kanya nanggaling ang salitang ceasefire kundi sa ibang senador matapos siyang kausapin ng ilan sa mga ito at paalalahanan na maaaring maka-distract sa trabaho ang alitan nila ni Lacson.

Katunayan, hindi na aniya siya kailangang kausapin at hinihintay lamang niya ang mga alegasyon pero nakahanda siyang sumagot kung kinakailangan.

Direkta ring inakusahan ng Minority Leader si Lacson na gumagawa ng “KKK” o ang Kuyog, Kaso at Kulong.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Cayetano na wala lang sa kanya ang gagawing imbestigasyon basta’t magiging patas lamang ito na siyang concern niya at ilan ding mga mambabatas.