
Binigyang-diin ni Senate Minority Leader Alan Cayetano na mukhang sinimulan siyang banatan ni Senador Ping Lacson nang tumakbo siya at maging Senate President.
Kamakailan, matatandaang ilang beses na nagkaroon ng sagutan sina Cayetano hinggil sa isyu ng flood control at maging ang di umano’y reclamation project sa may Laguna Lake sa may parte ng Taguig City.
Kaugnay ng usaping ito, tiniyak ni Cayetano na handa naman siyang humarap at makipagtulungan sa anumang imbestigasyon.
Sa huli, iginiit ng senador na ang kanyang inaangal lang ay ang ginagawa umanong trial by publicity at witch hunt ni Lacson.










