TUGUEGARAO CITY-Malaki ang ibinababa ng child labor case sa Region 2 noong 2018 kumpara noong 2016.

Sinabi ni Atty. Sarah Bueno Mirasol,director ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 na nasa 1,000 ang naitala nilang child labor case noong 2018 kumpara sa 90,000 noong 2016 batay sa listahanan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Dahil dito, sinabi ni Mirasol na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga natukoy na na nasa child labor upang maiahon sila mula sa nasabing sitwasyon.

Ayon sa kanya,nagbibigay sila ng livelihood assistance sa mga magulang ng batas na nagtatrabaho sa murang edad.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng opisyal na mahalaga na matutukan ang mga child laborers dahil sa nakakaapekto ito sa kanilang development.