Tuguegarao City- Huli sa aktong pagbebenta ng iligal na droga ang isang gurong kabilang sa “high value at priority target individual” sa Brgy. Aguiguican, Gattaran.

Kinilala ang suspek na si Roderick Paraiso, 40-anyos, residente ng Paradise, Gonzaga na kasalukuyang naninirahan sa Gattaran at nagtuturo sa isang Unibersidad sa probinsiya.

Sa panayam kay PMAJ Edwin Aragon,hepe ng PNP-Gattaran, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang iligal na gawain ng naturang suspek kung saan nahuli ito matapos magpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Nakuha mula sa pag-iingat nito ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P500 na ginamit bilang buy bust money.

Nabatid pa na kabilang din si Paraiso sa mga tokhang responder na sumuko sa ilalim ng Community Based Rehabilitation Program ng PNP.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon,nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang guro.