Isinusulong ng Makabayan Bloc sa Kamara ang panukalang batas na layong itaas sa 50,000 pesos ang entry-level salary ng mga guro sa pribadong paaralan.

Batay sa House Bill 8968 at 8969, gagawing limampung libong piso ang sweldo ng mga teacher sa private schools at state universities and colleges alinsunod sa constitutional mandates ng pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon.

Gayundin ang pagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa accessible quality education sa lahat ng antas.

Sinabi ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio na tutugunan ng mga panukalang batas ang salary gaps sa pagitan ng instructors at professors sa SUCs at LUCs.

Sa kasalukuyan kasi ay 33,947 pesos lamang ang sahod kada buwan ng isang entry-level Instructor I sa pampublikong higher education institution.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, idinagdag ni Tinio na para sa mga maliliit na pribadong paaralan, nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng subsidiya na ilalaan para sa sahod ng personnel.

Paliwanag pa nito, dati-rati ay pantay ang sweldo ng teachers, sundalo at nurses subalit ngayong 2026 ay tila napag-iwanan na sila.