Mas mataas pa rin ang naitatalang bilang ng mga gumaling sa sakit na COVID-19 sa Region 2 kumpara sa bilang ng aktibong kaso nito, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Cagayan Valley Center for Health Development.

Ayon sa bagong case bulletin ng DOH-RO2, nasa 34,736 indibidwal na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit, o 87.98% ng kabuuang kaso na ngayon ay nasa 39,480 na.

May 377 naman ang bagong kasong naitala at lima na karagdagang bilang ng mga pumanaw.

Sa kasalukuyan, nasa 949 na ang namatay sa COVID-19 sa rehiyon.

Muli namang nagpa-alala ang kagawaran sa publiko na sumunod sa ipinapatupad na health protocol upang kahit paano ay makaiwas sa sakit na COVID tulad ng wastong pagsusuot ng facemask, palagiang paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng physical distancing.

-- ADVERTISEMENT --