Photo credit: 17th Infantry Battalion, Philippine Army

TUGUEGARAO CITY-Idineklara ng Brgy. Bural sa Zinungdungan Valley sa Rizal, Cagayan na persona non grata ang CPP-NPA.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lt. Lloyd Orbeta, tagapagsalita  ng 17th Infantry Battalion na ito ay pinagtibay ng isang resolution na pinirmahan ng mga barangay officials at mga residente sa lugar.

Ayon kay Orbeta na nangangahulugan ito na hindi na maaaring pumasok sa kanilang lugar ang mga rebeldeng grupo.

Sinabi ni Orbeta na sawa na rin umano kasi ang mga taga Brgy. Bural sa mga ginagawang panlilinlang ng CPP-NPA.

Nabatid na matagal na umanong lungga ng rebeldeng grupo ang nasabing barangay.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Orbeta na hiling sa kanila ng mga mga mamamayan ng Zinungdungan Valley na manatili ang mga sundalo sa kanilang lugar upang matiyak na hindi na sila mapasok ng rebeldeng grupo.