Binuksan ng Department of Agriculture o DA ang bagong P74.4-million rice processing facility sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, na layong mapabilis ang pagpapatuyo at paggiling ng palay at mabawasan ang post-harvest losses.

May kapasidad ang Rice Processing System III na magproseso ng apat hanggang limang tonelada ng bigas kada oras, habang may tatlong dryer na kayang magpatuyo ng tig-12 tonelada kada batch.

Inaasahang makatutulong ang pasilidad sa pagpapataas ng kalidad ng bigas at kita ng mga magsasaka.

Pinondohan ito sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Mechanization Program, na pinalawig hanggang 2031 at may dagdag na taunang alokasyong P9 bilyon.