TUGUEGARAO CITY-Namahagi ng 175 sako ng bigas ang Department Of Agriculture (DA)-Region 2 bilang tulong sa mga naapektuhan ng ashfall dahil sa pag-alburoto ng bulkang taal sa probinsiya ng Batangas.

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA-Region 2, nitong nakaraang araw ng Sabado ipinadala ng ahensiya ang nasabing tulong sa bahagi ng Lipa City, Batangas na agad namang naipamahagi sa mga residente.

Ito rin umano ang naging derektiba Agriculture Sec. William Dar kung saan lahat ng mga Regional Offices ay kinakailangang magbigay ng tulong.

Bukod dito, sinabi ni Edillo na nitong darating na sabado ay muling pagpapadala ang ahensiya ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng gulay na galing sa probinsiya ng Nueva Vizcaya kung saan umaabot sa sampung tonelada.

Samantala, una na rin umanong pinulong ni DAR ang mga kawani ng DA kung saan napag-usapan ang iba pang tulong na maaring maipamahagi ng ahensiya tulad ng livestock.

-- ADVERTISEMENT --