Patay ang dalawang pinaniniwalaang gun-for-hire suspect matapos maka-engkuwentro ang mga pulis sa isang checkpoint sa Calauag, Quezon habang sakay ng isang AUV o Asian utility vehicle.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang barilan kahapon ng hapon sa Barangay Sumilang nang paputukan umano ng mga suspek ang mga pulis sa checkpoint, habang tumatakbo ang kanilang sasakyan.

Hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek hanggang sa masukol ang mga ito at muling nagkaroon ng palitan ng putok ng baril.

Nang tumigil ang putukan, nakita sa loob ng sasakyan ang isang suspek, habang nasa labas naman ang isa pa na parehong patay na.

Wala namang nasaktan sa panig ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Quezon Provincial Police Office, may mga kasong murder ang mga suspek na ang iba ay nabasura, at may mga complainant na umatras.