TUGUEGARAO CITY-Wasak ang motorsiklong sinakyan ng dalawang lalaking nasawi matapos tumilapon dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng isang pick up sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Michael Alan, driver ng motorsiklo na residente ng Brgy. Carig Sur at si Mark Paul Taguinod, backrider at residente naman ng Brgy. Linao East dito sa lungsod.

Ayon kay PCAPT Rosemarie Taguiam, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao, nasa tamang linya ang dalawang biktimang nakasakay ng kanilang motorsiklo patungong poblancion kung saan ay nag-overtake si Alan sa sinusundang tricyle ngunit dito ay sumalubong din sa kanila ang pick up na minaneho ng suspek na si Roderick Gaspar na mula sa bayan ng Iguig na noon ay patungo naman sa bayan ng Iguig.

Dahil aniya rito ay hindi na naiwasan ng motorsiklo at ng pick up ang magsalpukan na nagresulta upang magtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ng mga biktima.

Dead on Arrival ang dalawa ng isugod ng mga otoridad sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Taguiam na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang driver ng pick up.

Gayonman, sinabi ni Taguiam na hindi na maghahain ng kaso ang pamilya ng mga biktima matapos ang ammicable settlment.