
Patay ang jeepney operator at kanyang driver matapos masalpok ng humaharurot na sasakyan habang tumatawid sa Marcos Highway sa Sitio Paenaan, Bgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Kakain sana sa katapat na karinderya ang mga biktima.
Makikita sa CCTV footage na huminto pa ang dalawang lalaki para hindi mahagip ng paparating na kotse pero nang makausad ay doon na sila binangga ng sumunod na humaharurot na sasakyan.
Tumilapon at nakaladkad pa ng ilang metro ang mga biktima.
Nawasak ang harapang bahagi ng sasakyan at nabasag pa ang windshield sa tindi ng impact.
-- ADVERTISEMENT --
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na tila nagkakarera ang sasakyan.










