Dalawang security guard umano ng LandBank ang naghakot ng apat na duffel bag na naglalaman ng P125 milyon na confidential funds patungo sa sasakyan ng Office of the Vice President noong 2022.

Ito ang testimonya ni dating OVP special disbursing officer Gina Acosta sa Day 16 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Acosta, tig-dalawang itim na duffel bag ang dala ng dalawang guwardiya at sabay silang lumabas ng bangko, habang siya ay sumusunod. Dinala umano ang mga bag sa OVP vehicle na may dalawang driver na parehong miyembro ng Vice Presidential Security and Protection Group.

Sinabi rin ni Acosta na ini-release niya ang cash kay Colonel Lachica sa utos umano ng kanyang head of agency. Ang naturang proseso ay kinuwestiyon dahil taliwas umano ito sa Joint Circular 2015-01, na nagtatakda kung sino ang maaaring mag-disburse ng confidential funds.

Bahagi ang testimonya ni Acosta sa Article 1 ng impeachment case laban kay VP Sara na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit at liquidation ng confidential funds.

-- ADVERTISEMENT --