Patay ang isang dalawang taong gulang na lalaki matapos na atakehin siya ng mga bubuyog sa Barangay San Juan, Aurora, Zamboanga del Sur.

Ayon sa mga awtoridad, kasama ng biktima ang kanyang lolo na si Leonardo Alivio na nag-aani ng mais nang mangyari ang insidente.

Sinabi ng lolo na libu-libong bubuyog ang umatake sa kanila.

Dinala ang bata at ang lolo ng mga residente sa malapit na ospital, subalit idineklara ng umasikasong doktor na dead on arrival ang bata.

Pinaniniwalaan na namatay ang bata dahil sa tusok ng mga bubuyog, subalit pinaghihinalaan din na nalunod siya matapos na mahulog sa isang lumbak nang mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa pangangalaga ng lolo ang bata buhat nang ipanganak siya dahil nagtatrabaho ang kanyang ina sa Manila.