
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang bagong Cabinet Secretary.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa magiging tungkulin ni Abalos ang pagbibigay ng timely, relevant and strategic advice sa Pangulo kaugnay ng mga national, local at international issues na may epekto sa political landscape ng bansa.
Magsisilbi rin siyang conduit ng Pangulo sa pakikipag-ugnayan sa mga national government agencies, local government units, political organizations, civil society organizations at iba pang sektor sa mga usaping may kaugnayan sa pulitika.
Bukod dito, pamumunuan din ni Abalos ang Strategic Action and Response Office at magsasagawa ng supervision at control sa mga tanggapan sa ilalim nito alinsunod sa magiging direktiba ng Pangulo.
Mababatid na nagsilbi si Abalos bilang Kalihim ng DILG mula 2022 hanggang 2024 bago ito tumakbo sa pagka-senador noong 2025, ngunit hindi nagwagi.










