Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kanina si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves dahil sa mga kasong may kaugnayan sa pagkakasangkot umano niya sa terrorist activities.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Pryde Henry na kapatid ng pinatalsik na Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr.ay inaresto sa Dumaguete City kaninang 8:15 a.m. dahil sa paglabag sa The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Inilabas ang arrest warrant ng Seventh Judicial Region, Branch 74 ng Cebu City noong May 13, 2024.

May itinakda na P200,000 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Pryde Henry.

Nasa listahan ang dating gobernador sa top Most Wanted Persons (MWP) sa provincial at regional level.

-- ADVERTISEMENT --