
Masaya ang defense team sa naging ruling ng presiding officer kaugnay ng kanilang hiling na iwasan ng prosekusyon ang paggamit ng mga salitang itinuturing nilang hindi angkop sa impeachment trial.
Nabatid na hiniling ng defense counsel na iwasan ng prosekusyon ang mga salitang gaya ng “scam,” “mastermind” at “nagsisinungaling” sa paglilitis.
Ayon kay Atty. Michael Poa, nauunawaan nila ang estratehiya ng prosekusyon at magiging maingat din sila sa mga salitang gagamitin sa kanilang panig.
Giit ni Poa, mahalagang maipaabot ang kanilang concern dahil mabilis kumalat sa social media ang mga pahayag at maaari pa ring manatili sa isip ng publiko kahit bawiin ang mga ito.










