Inihayag ni defense spokesperson Atty. Michael Poa na mahigit 90 identified at reserved witnesses ang nakalista para sa depensa ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ayon kay Poa, pinabulaanan nito ang mga espekulasyong walang testigong ihaharap ang depensa.

Gayunman, hindi pa nila natutukoy kung ilan sa mga nakalistang saksi ang aktuwal na tatawagin upang tumestigo.

Tumanggi rin si Poa na ibunyag ang pagkakasunod-sunod ng kanilang presentasyon ng ebidensya, kabilang kung uunahin ang alegasyon ng grave threats, dahil bahagi ito ng estratehiya ng depensa.

Giit niya, nasa pagpapasya ng depensa kung paano at sa anong pagkakasunod-sunod nila ihaharap ang kanilang mga ebidensya.

-- ADVERTISEMENT --