
Iginiit ng House prosecution na may hanggang P98 milyon umanong assets nina Vice President Sara Duterte at mister nitong si Manases “Mans” Carpio na hindi nadeklara sa SALN mula 2022 hanggang 2025.
Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, lumitaw sa paghahambing ng financial records at mga dineklara sa SALN ang umano’y discrepancy na mahigit P80 milyon noong 2022, P98 milyon noong 2023, P66 milyon noong 2024 at P70 milyon noong 2025.
Kabilang sa sinuri ng prosekusyon ang bank deposits, insurance at investment payments, mga ari-arian at firearms, batay sa mga rekord at testimonya sa impeachment trial.
Iginiit din ng prosekusyon na idineklara ni Duterte na wala siyang cash on hand o cash in bank sa mga naturang SALN, na umano’y hindi tugma sa mga balanseng nakita sa mga financial records.










