DENR REGION II

TUGUEGARAO CITY-Oobligahin na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga malalaking establisyimento tulad ng hotel na magkaroon ng sariling water treatment facility.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Regional executive director Atty. Antonio Abawag ng DENR Region 2,na kailangang isama ng mga malalaking establisyimento sa kanilang plano ang paglalagay ng treatment facility.

Layunin nitong mapangalagaan ang Cagayan river at upang maiwasan ang katulad na problemang kinakaharap ng Boracay at Manila Bay.

Dagdag pa ni Abawag lahat ng mag-aaply sa kanilang opisina para sa environmental compliance certificate ay isasama na nila ito bilang requirement.

-- ADVERTISEMENT --